Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na, bagaman hindi na makakayang ipasa ang panukalang batas ngayong 17th Congress, maari namang ipatupad ang mandatory ROTC sa mga eskuwelahan na mapipili ng DepEd.
ROTC ipatutupad sa 100 pilot schools
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balak ng Department of Education (DepEd) at ng Department of National Defense  (DND) na ipatupad na ang  mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC) sa 100 pilot schools sa bansa para sa school year 2019-2020.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na, bagaman hindi na makakayang ipasa ang panukalang batas ngayong 17th Congress, maari namang ipatupad ang mandatory ROTC sa mga eskuwelahan na mapipili ng DepEd.

Tinapos na kahapon ng Senate Committee on Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Gatchalian ang pagdinig sa panukala at tiniyak nitong irerekomenda ang batas tungkol sa mandatory ROTC.

Ang ROTC ay isasama sa curriculum ng Grades 11 at Grades 12.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa Grades 11 at Grades 12 ipapatupad ang ROTC dahil isa lamang sa bawat 10 nagtatapos sa K-12 ang dumidiretso sa kolehiyo.

Dahil sa 100 pilot schools muna ipapatupad ang panukala, makikita aniya ang mga issue tungkol sa pagpapatupad nito.

DEPARTMENT OF EDUCATION DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with