Sabi ng ACG, umabot sa 729 cybercriminals ang nasukol nitong 2018, mas mataas ng 291.93% kumpara sa 186 noong 2017.
AFP/Loic Venance
Naaresto sa cybercrime operations umakyat ng 291% noong 2018
(Associated Press) - April 8, 2019 - 10:07pm

MANILA, Philippines — Tumaas ng 291% noong nakaraang taon ang hinuli kaugnay ng mga cybercrime offenses sa bansa ayon sa ulat ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Sabi ng ACG, umabot sa 729 cybercriminals ang nasukol nitong 2018, mas mataas ng 291.93% kumpara sa 186 noong 2017.

Kasama diyan ang 178 dayuhan na nambiktima diumano ng mga tao sa bansa at ibayong dagat sa pamamagitan ng iba't ibang online scam.

Nagsagawa ng 128 law enforcement operations ang ACG noong nakaraang taon kabilang ang 98 kaso na isinagawa sa pakikipagtulungan ng ibang bansa.

Ayon kay ACG director Brig. Gen. Marni Marcos, nagawa nilang makahuli ng mas maraming tao kahit na may kakulangan sa mga tao.

"Tataas pa ang bilang dahil nilaanan kami ng dagdag na 100 recruit nitong taon," sabi niya sa Ingles.

Simula nang itayo taong 2013, meron lamang 262 opisyal at tauhan ang police unit.

Umabot daw ng 4,104 insidente ng cybercrime nitong 2018, na 84.2% n pagtaas kumpara sa 2,228 noong 2017.

"Mai-aattribute ito sa pagtaas ng bilang ng mga tao na nakaaalam ng ACG at yung simpleng proseso ng paghahain ng reklamo sa mga lokal na himpilan ng pulis sa pakikipagtulungan sa police regional offices," sabi nila.

CYBERCRIME PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with