Zero Hunger target ng Palasyo

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, ina­prubahan ni Pangulong Duterte ang panukalang ito noong nakaraang Cabinet meeting at maglalabas ng executive order sa sandaling masapinal ang IATF proposal.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Bubuo ang Malacañang ng Zero Hunger Inter-Agency Task Force (IATF) na ang layunin ay mawakasan ang kagutuman sa bansa sa 2030.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, ina­prubahan ni Pangulong Duterte ang panukalang ito noong nakaraang Cabinet meeting at maglalabas ng executive order sa sandaling masapinal ang IATF proposal.

Aniya, batay sa datos ay nasa 2.4 milyong pamilyang Filipino ang nakakaranas ng moderate to extreme hunger noong 2018, habang nasa 13.7 million Filipino children naman ang undernourished, at ang mga edad hanggang 5 taon ay underweight.

Aniya, ang nasabing task force ay babalangkas ng national food policy upang masiguro ang zero hunger at tuluyang malutas ang kahirapan sa bansa alinsunod sa 2017-2022 Philippine Development Plan.

Show comments