2019 national budget pinirmahan na ni Sotto

Pero sa sulat para kay Pangulong Duterte, ipinaalam ni Sotto ang kanyang “strong reservations” at ang kanyang lagda ay para lamang sa items na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Se­nate President Vicente Sotto III ang panukalang P3.757 trilyong 2019 national budget na ipinadala na kahapon sa Malacañang.

Pero sa sulat para kay Pangulong Duterte, ipinaalam ni Sotto ang kanyang “strong reservations” at ang kanyang lagda ay para lamang sa items na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ini-attached ng Senado ang listahan ng P95 bilyon halaga ng programa at proyekto kung saan kabilang ang P75 bilyong realignments.

Hinikayat din ni Sotto ang Pangulo na huwag aprubahan ang sinasabi niyang “unconstitutional realignments.”

Ipinapaubaya na rin ng mga senador kay Duterte kung lalagdaan o may ibe-veto sa enrolled bill.

Siniguro naman ng Malacañang na bubusisiing mabuti ng Pangulo ang bawat detalye ng isinumiteng enrolled bill na 2019 budget matapos lagdaan na ito ni Sotto.

Show comments