Malacañang ikinalungkot ang pagkakadawit ng 31 artista sa droga

“We’re saddened that these people are involved but we will never tolerate it,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng Malacañang ang pagkakasangkot ng ilang celebrities sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“We’re saddened that these people are involved but we will never tolerate it,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. 

Ayon kay Panelo, dapat kasuhan ng PDEA ang sinasabing 31 celebrities kung may sapat na ebidensiya.

Tikom naman ang bibig ng Palasyo kung nararapat na isapubliko ang pangalan ng mga ito.

Magugunita na kamakailan ay inilantad ni Pa­ngulong Duterte ang 46 na pulitiko na nasa narcolist.

Sinabi rin ng PDEA na kailangan pa nilang maberipika ang mga pangalang sangkot sa illegal drugs at kapag may sapat ng ebidensiya ay kakasuhan nila ang mga ito.

Show comments