NDF consultants na nabigyan ng safe conduct pass, aarestuhin

Sinabi ni AFP spokesman Brigadier General Edgard Arevalo na ngayong tinuldukan na ni Pangulong Duterte ang peace talks sa hanay ng komunistang grupo ay wala na ring bisa ang safe conduct pass ng NDF consultants.

MANILA, Philippines — Aarestuhin ng mga elemento ng AFP at PNP ang mga consultant ng National Democratic Front (NDF) na naisyuhan ng safe conduct pass noong umiiral pa ang peace talks sa pagitan ng GRP peace panel at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ni AFP spokesman Brigadier General Edgard Arevalo na ngayong tinuldukan na ni Pangulong Duterte ang peace talks sa hanay ng komunistang grupo ay wala na ring bisa ang safe conduct pass ng NDF consultants.

Tinatayang 20 NDF consultants ang nabigyan ng safe conduct pass para makibahagi sa peace talks.

Una rito, nasakote ang NDF consultant na si Renante  Glamara at kasama nitong si Arturo Joseph Balagat, isang retiradong pari sa isang operasyon sa Imus, Cavite. Kabilang din sa aarestuhin ang mga dating nakapiit at pinalaya pansamantala para makibahagi sa usapang pangkapayapaan.

Show comments