Bagyong ‘Chedeng’ bubuhos ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang bubuhos ngayong umaga ang bagyong si Chedeng habang palapit sa Davao region.

Kahapon, si Chedeng ay namataan ng Philippine Atmospheric, Geological and Astronimical Service Administration sa layong 445 kilometro ng silangan ng  Davao City taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 60 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA, oras na  bumugos si Chedeng ay hihina naman ito at magiging isang low pressure area. Itinaas ang Signal number 1 sa Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, General Santos City, Davao Occidental, southern part ng Davao del Norte kasama na ang  Samal Island, silangang bahagi ng North Cotabato, silangang bahagi ng  North Cotabato at Sarangani.

Makakaranas naman ng kalat kalat na pag ulan sa portions of Davao region, Soccskargen, Bangsamoro at Zamboanga Peninsula.

Show comments