_ngayon
^

Bansa

Budget naipit sa away nina Gloria Arroyo at Panfilo Lacson?

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Budget naipit sa away nina Gloria Arroyo at Panfilo Lacson?
Nagmakaawa na rin ang kongresista na tigilan na sana ang personal na awayan at huwag nang maging daan pa ito para maging pahirap sa ating mga kababayan.

MANILA, Philippines — Dahil sa personal na away nina Senador Panfilo Lacson at House Speaker Gloria Arroyo kaya naiipit at hindi maipasa ang 2019 National budget o General Appropriations Act (GAA).

Ito ang paniniwala ni COOP-NATCO partylist Representative at Deputy Minority leader Anthony Bravo dahil mistula na umanong hostage ang pambansang budget na ang apektado naman ay ang mga proyekto ng administrasyon at ang mahihirap nating kababayan.

Nagmakaawa na rin ang kongresista na tigilan na sana ang personal na awayan at huwag nang maging daan pa ito para maging pahirap sa ating mga kababayan.

Nilinaw naman ni Bravo na ayos lang ang kritisismo kay Arroyo subalit huwag naman sana umano itong maging daan para magdusa ang sambayang Pilipino.

Kinuwestyon naman ni House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya Jr. kung bakit ngayon lang kinukuwestyon nina Senate President Tito Sotto at Lacson ang panukalang pambansang pondo gayung ipi-print na ito.

Tiniyak naman kaha­pon ni Sotto na walang binago o idinagdag ang Senado sa panukalang 2019 national budget matapos itong marapikihan.

Ginawa ni Sotto ang pahayag dahil sa bintang ni Andaya na nagkaroon ng realignment na P25 bilyon sa Senado matapos ang pagtalakay ng bicameral conference committee.

Ayon kay Sotto, hindi na nila pinakialaman ang panukalang pambansang budget matapos itong maratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Mismong ang Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) at sina Senator Loren Legarda, chair ng Sena­te committee on finance committee at Lacson ay tiniyak na walang ginalaw ang Senado sa budget.

Ayon pa kay Sotto, hindi niya pipirmahan ang panukalang ipapa­dala sa Malacañang kung makikita niya na may binago rito ang House of Representatives.

2019 NATIONAL BUDGET GLORIA ARROYO PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with