Paliwanag ni dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, chairman ng NUP, si Cayetano ang kandidatong respetado ng lahat ng miyembro ng Kongreso at napatunayan na ring tapat kay Pangulong Duterte at sa mga programa niya para sa pagbabago.
Alan Cayetano suportado para speaker
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pinakamalawak na karanasan at maipagmamalaking track record sa pagsisilbi sa pamahalaan kaya si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang napipisil na suportahan bilang Speaker ng Kamara de Representantes sa 18th Congress ng National Unity Party (NUP).

Paliwanag ni  dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, chairman ng NUP, si Cayetano ang kandidatong respetado ng lahat ng miyembro ng Kongreso at napatunayan na ring tapat kay Pangulong Duterte at sa mga programa niya para sa pagbabago.

Ayon kay Puno, ang NUP ay may coalition agreement sa Hugpong ng Pagbabago na pina­ngungunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kaya ito ay nakapangako nang susuporthan ang kandidato para sa Speaker ng HNP kung ito ay may ieedorso sa darating na Kongreso. 

Kung magpasya ang HNP na walang suportahan na kandidato sa pagka-Speaker, wala pa ring papatakbuhin ang NUP sa labanan para sa pinakamataas na pwesto sa Kamara. 

Sinabi pa ni Puno, na sinuportahan din ng NUP noon ang napili ng HNP na kandidato sa pagka-Speaker na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. 

Sa kabila nito, maaga pa rin umano para pag usapan ang nasabing isyu dahil magkakaroon pa ng eleksyon sa darating na Mayo.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with