^

Bansa

Digong wala pang napipiling Human Settlements chief

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Digong wala pang napipiling Human Settlements chief
Ayon sa Pangulo, kakausapin muna niya sina Senate President Vicente Sotto III, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.
Presidential Photo/Albert Alcain

MANILA, Philippines — Wala pang napipiling kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) si Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, kakausapin muna niya sina Senate President Vicente Sotto III, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sabi ng Pangulo na mas mabuting gusto ng mga nabanggit ang ila­lagay niya sa puwesto.

“Mabuti ‘yang gusto nila ‘yung tao para he can receive the --- a better reception, you know kung kilala nila ang tao,” sabi ng Pangulo.

Matatandaan na nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11201 noong Pebrero 14 kung saan pagsasama-samahin ang mga ahensiya ng gobyerno tungkol sa pabahay.

Kabilang dito ang Housing and Urban Development Coordinating Council at Housing and Land Use Regulatory Board.

Layunin ng panukala na makapagbigay ng murang pabahay sa mga Filipino lalo na sa mga mahihirap na wala pang bahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with