^

Bansa

War on drugs tagumpay - PNP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
War on drugs tagumpay - PNP
Paliwanag ni Banac, patunay lamang umano ito na patuloy na kampanya laban sa iligal na droga ay humihikayat sa mga drug dependent na tumigil sa paggamit nito at nagiging dahilan din ng pagkonti ng bilang ng krimen sa buong bansa kaya nagkakaroon ng ligtas na komunidad ang publiko.

Sa survey na kumonti na ang adik

MANILA, Philippines — Patunay lamang uma­­no na tagumpay ang kampanya ng gobyerno laban sa droga dahil sa mayor­ya ng mga Filipino ang naniniwala na kumonti na ang gumagamit ng iligal na droga sa kanilang mga lugar.

Ito ang pahayag ni PNP spokesman Senior Supt. Bernard Banac, matapos ilabas ang resulta ng SWS survey kung saan 66% ng mga Pinoy ang nagsabi na kumonti ang mga drug addict sa kanilang mga lugar.

Paliwanag ni Banac, patunay lamang umano ito na patuloy na kampanya laban sa iligal na droga ay humihikayat sa mga drug dependent na tumigil sa paggamit nito at nagiging dahilan din ng pagkonti ng bilang ng krimen sa buong bansa kaya nagkakaroon ng ligtas na komunidad ang publiko.

Sinisiguro umano ng PNP sa publiko na patuloy nilang gagawin ang kanilang mandato sa ilalim ng batas at respeto sa karapatang pantao ng bawat isa.

vuukle comment

BERNARD BANAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with