Ayon kay Col. Romeo Brawner, commander ng Joint Task Force (JTF) at Army’s 303rd Infantry Brigade (IB), puspusan ang pagtugis ng militar kay Abu Dar na isa umano sa namuno sa Marawi City siege noong Nob. 23, 2007 na ang krisis ay tumagal ng limang buwan.

File Photo
Lider ng Maute-ISIS nasa Lanao pa
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa nakakatakas at nasa Lanao del Sur pa rin ang nagsisilbing lider ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na patuloy na nagre-recruit ng mga batang mandirigma.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, commander ng Joint Task Force (JTF) at Army’s 303rd Infantry Brigade (IB), puspusan ang pagtugis ng militar kay Abu Dar na isa umano sa namuno sa Marawi City siege noong Nob. 23, 2007 na ang krisis ay tumagal ng limang buwan.

Si Abu Dar na lamang ang natitirang lider ng Maute-ISIS sa Lanao del Sur na tumakas matapos ang bakbakan noong Enero 25.

Sinabi ni Brawner na pinangunahan ni Abu Dar ang pagbomba sa Iligan City at Cagayan de Oro at marami na umano itong napatay na sundalo at Kristiyano.

Napag-alaman na si Abu Dar ang nagre-recruit at nagsasanay sa mga child warrior na nagkaka-edad 9 hanggang 15-anyos na karamihan ay anak ng mga nasawi sa Marawi City siege.

MAUTE-ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with