5 lungsod sa MM ‘hotspots’ - PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang siyudad sa Metro Manila ang kabilang sa 701 lugar sa bansa na itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na election hotspots sa darating na mid-term elections sa May 13.

Tinukoy ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang Maynila, Mandaluyong, Caloocan, Pasay at Malabon base na rin sa mga insidente ng karahasan sa pulitika noong mga nagdaang halalan.

Sa kabila naman ng may napatay na kandidato sa Quezon City noong nakaraang buwan, sinabi ni NCRPO Chief P/Director Guillermo Eleazar na hindi pa ito itinuturing na election hotspot.

Ang tinutukoy ng opis­­yal ay ang pagkaka­paslang kay Brgy. Sila­ngan chairwoman Crisell Beltran, congressional candidate sa kanilang lugar nitong Ene­ro 30.

Patuloy pa ring pinag-aaralan ng pulisya at Comelec kung dapat bang ituring na areas of concern ang QC.

Samantala, sinabi ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde na halos kalahati ng 42.9% sa 1,634 siyudad at muni­sipyo sa buong bansa ang tinukoy na ‘hotspots”.

Ang nasabing mga hotspots ay color coded kung saan aabot sa 223 ang Code Yellow o ang Areas of Concern, 382 ang Code Orange o Election Areas of Immediate Concern at 94 ang Code Red o election areas of grave concern.

Sa code red areas, 27 ang nasa Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM), 19 sa Bicol Region, tig-7 sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), tig-anim sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at Western Visayas; lima sa Northern Mindanao, tig-4 sa SOCSKARGEN (South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos City at Cordillera, 3 sa Eastern Visayas, tig-2 sa Central Luzon at Davao Region.

Tig-isa sa CARAGA Region at Cagayan Valley Region habang wala namang itinuturing na red areas sa National Capital Region at Ilocos Region.

Ang ARMM ang may pinakamalaking bilang ng nasa red category na may 27 lugar na sinundan ng Bicol Region na nasa 19 lugar.

Una nang isinailalim sa Comelec control ang Cotabato City matapos ang pambobomba sa Southseas mall na ikinasawi ng dalawa katao noong Disyembre 2018.

Ang Daraga, Albay ay isinailalim din sa kontrol ng Comelec matapos ang pagpatay kay AKo Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe noong Dis. 22, 2018.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with