Pinipilit din ng mga aw­toridad na paaminin ang assassin kung sino ang nag-utos sa kanya upang patayin ang Pangulo at si Go.
90-anyos ‘assassin’ ni Digong, Go timbog!
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni dating Special Assistant to the President Bong Go na may planong likidahin siya at si Pangulong Duterte ng 90-anyos na lalaking nahuling may dalang baril ng magtungo sa OSAP office sa Davao City.

“Isang matandang lalaki ang nagtungo sa OSAP sa Davao City at baka may plano itong patayin ako,” wika ni SAP Go sa kanyang Tweeter account.

Inaresto ng pulis ang 90-anyos na si Bambaran Bantog ng Tamparan, Lanao del Sur.

Nahulihan ng kalibre 45 baril, 11 rounds ng bala at 2 patalim si Bantog na nakalagay sa kanyang sling bag ng magtungo sa tanggapan ni SAP Go sa Davao City kamakalawa bandang alas-5:00 ng hapon.

Umamin si Bantog sa pulisya na ang pakay niya sa Davao City ay patayin sina Pangulong Duterte at Go.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong illegal possession of firearm, deadly weapon at pag­labag sa gun ban sa self-confess ed assassin ni Pangulong Duterte at Go.

Pinipilit din ng mga aw­toridad na paaminin ang assassin kung sino ang nag-utos sa kanya upang patayin ang Pangulo at si Go.

BONG GO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with