Ayon kay Atty Ariel Inton, founding president ng LCSP, ilang araw pa at umpisa na rin ng kampanya ng mga lokal na kandidato at asahan na ang matinding trapik na lilikhain ng gagawin nilang kampanya sa mga kalye tulad ng motorcade.
Miguel de Guzman
Guidelines sa political motorcades, giit
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) sa Commission on Elections (Comelec) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na magtakda ng guidelines para sa motorcade sa mga lansa­ngan ng mga kandidato sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.

Ayon kay Atty Ariel Inton, founding president ng LCSP, ilang araw pa at umpisa na rin ng kampanya ng mga lokal na kandidato at asahan na ang matinding trapik na lilikhain ng gagawin nilang kampanya sa mga kalye tulad ng motorcade. 

Anya, dapat mag-set ng guidelines ang Comelec at MMDA para dito para hindi magulat ang mga enforcers sa lilikhaing traffic.

“Dapat malaman dito, saan at anong oras puwede mag-motorcade, ilan ba ang dapat na bilang lamang na maaaring makiisa sa motorcade ng kandidato, pagbabawal na gamitin ang mga government issue plate at kung may notice muna na gagawin bago ang motorcade para hindi magulat ang mga enforcers at dapat isyuhan ng permit ng LTFRB  ang mga public utility vehicles na gagamitin sa motorcade ng mga politiko kase magiging out-of-line sila,” sabi ni Inton. 

Binigyang diin ni Inton na kailangan bago mai­sagawa ang motorcade ng isang kandidato o partido ay may malinaw na guidelines ang Comelec at MMDA para dito at kung may paglabag ay dapat ipatigil ang motor­cade at hulihin ang lala­bag at maaari ring maging ground para ma-disqua­lify ang kandidato.

COMMISSION ON ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with