National budget raratipikahan ngayon

Ito ang tiniyak kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na aminadong wala nang magagawa sa mangyayaring botohan.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Inaasahang ra­ratipikahan ngayong araw ang P3.757 tril­yong national budget kasama ang P160 mil­yong pork barrel ng bawat congressman at P23 bilyong isiningit ng ilang senador.

Ito ang tiniyak kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na aminadong wala nang magagawa sa mangyayaring botohan.

Pinalawig ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang sesyon hanggang ngayong araw para sa ratipikasyon ng 2019 national budget.

Aminado rin si Lacson na nag-iisa lamang ang kaniyang boto kaya walang magagawa para maharang ang pagpasa ng panukalang national budget.

Idinagdag ni Lacson na may iba silang kasamahan na sarado na umano ang utak pagdating sa usapin ng pork barrel funds at handang makipag-debate kahit pa baluktot na ang argumento.

Pero maituturing na rin umanong konsulasyon ang ginawang pagtanggal sa pondo para sa flood control, dredging, desilting at mga deepening projects.

Show comments