Naniniwala si Pimentel na mas dapat pabilisin pa ng LTO ang pro­seso dahil mismong siya ay dalawang beses na nagpa-picture ng mag-renew ng lisensiya sa LTO branch sa Marikina City.
File Photo
2 beses na pagpapa-picture sa LTO kinuwestyon
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni Sen. Koko Pimentel ang pro­seso ng pagbibigay ng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) kung saan dalawang beses dapat magpakuha ng litrato ang mga kumukuha at nagre-renew ng lisensiya.

Naniniwala si Pimentel na mas dapat pabilisin pa ng LTO ang pro­seso dahil mismong siya ay dalawang beses na nagpa-picture ng mag-renew ng lisensiya sa LTO branch sa Marikina City.

“Dalawang beses ako kinunan ng pictures and digital signatures at different locations,” sabi ni Pimentel.

Kinuwestiyon ng Senado kung hindi ba puwedeng isang beses na lamang magpa-picture para sa isang driver’s license.

Anya, ang dalawang beses na pagpapa-picture ay nagiging dahilan ng delay sa driver’s license application, isang requirement na ipinatutupad ng DoTr.

Umaasa si Pimentel na makikita ng DoTr at LTO ang pangangaila­ngan na ayusin pa ang proseo ng pagbibigay ng driver’s license.

DRIVER’S LICENSE KOKO PIMENTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with