Sabi ni Panelo na sa panukala, walang parusang pagkakulong na ipapataw sa mga batang offenders na ang edad ay siyam na taon at pababa.
Michael Varcas
Kritiko ng ‘age of criminal responsibility’ nagtatanga-tangahan - Malacañang
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Palas­yo ang mga bumabatikos sa panukalang pagpapababa sa “age of criminal responsibility” na basahin munang maigi ang probisyon nito bago magpakawala ng anumang puna o komentaryo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa halip na ibatay ng mga kritiko ang kanilang pagbatikos base sa maling impormasyon at kamangma­ngan, bakit hindi muna siliping mabuti ang nila­laman ng probisyon.

Wika ni Panelo, posible na sadyang hindi alam o nagtatanga-ta­ngahan lang ang mga tumututol sa panukala sa reyalidad na napakatalino na ng mga kriminal para gamitin ang umiiral na Juvenile Justice Act para pagsamantalahan ang mga bata at makatakas ang mga sindikato sa kanilang pananagutan.

Sabi ni Panelo na sa panukala, walang parusang pagkakulong na ipapataw sa mga batang offenders na ang edad ay siyam na taon at pababa.

Ang mga youth offenders na edad siyam pataas at hindi lalampas ng 18 taong gulang ay hindi ikukulong kundi ilalagay lang sa youth care facilities at may gagabay na mga doctors, psychologists at social workers.

Applicable lang ang maximum penalty na reclusion perpetua sa mga kriminal na gumagamit sa mga bata para maisakatuparan ang kanilang criminal activites.

AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with