^

Bansa

Senado gustong 12-anyos ang minimum age of criminal liability

Philstar.com
Senado gustong 12-anyos ang minimum age of criminal liability
Gusto naman ni Sotto na amyendahan ang kasalukuyang batas para national government agencies na ang manguna sa pagpapatupad ng batas kaysa lokal na gobyerno.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines —  Nais ibaba ng maraming senador ang minimum na edad para sa criminal resonsibility sa 12-anyos, mas mataas kumpara sa napagkasunduan ng isang komite sa Kamara na siyam na taong gulang.

Sinimulan na kahapon ng Senate committee on justice and human rights ang pagdinig tungkol sa panukalang ibaba ang edad ng maaaring panagutin ng batas.

Pabor daw sina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Richard Gordon na amyendahan ang Republic Act 9344, o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, at siguruhin na sapat ang pondo sa pagpapagawa ng halfway homes o Bahay Pag-asa para sa mga batang lumalabag sa batas.

“Nine years old I think is too tender. I’m leaning now to 12 and then after maybe three years, we look at its implementation and we increase it to 15 and eventually to 18,” sabi ni Gordon.

(Masyado pang bata ang siyam na taon. Mas okay ako ngayon sa 12 tapos siguro pagkatapos ng tatlong taon, itaas natin sa 15 na aabot din sa 18.)

Sinabi ni Gordon na kaaalis pa lang daw ng elementarya ng mga bata sa 12 taong gulang at nagsisimula nang magkaroon ng mas seryosong pagtanaw sa kung ano ang tama at mali.

Maliban kina Sen. Grace Poe at Sen. Nancy Binay, inaasahan ni Gordon na karamihan sa kanyang kasamahan ay sasang-ayon sa 12-anyos bilang bagong minimum age of criminal responsibility.

Gusto naman ni Sotto na amyendahan ang kasalukuyang batas para ang national government agencies na ang manguna sa pagpapatupad ng batas kaysa lokal na pamahalaan.

Pinabulaanan din niya ang mga paratang na ikukulong ang mga bata sa mga panukalang ammendments.

Sinabi naman ni Sotto na mas nababahala siya pagdating sa mga krimen na ginagawa ng mga menor de edad tulad ng panghahalay, homicide, pagnanakaw, at pananakit kaysa paggamit sa kanila bilang drug courier.

Nanindigan siya na dapat maging mas mahigpit ang mga otoridad sa mga sindikato para hindi na makapangbiktima ng mga menor.

Ayon sa Philippine National Police, 1,813 pagnanakaw, 1,086 physical injuries, at 862 kaso ng panghahalay ang ginawa ng mga menor de edad noong 2018.

Bukas din si Sen. JV Ejercito na ibaba ang minimum age sa 12.

"As a father to a 10 year-old kid, I know that that age is just too young to assign liability," sabi ni Ejercito.

(Bilang ama ng batang 10 taong gulang, alam kung masyado pa yung bata para panagutin.)

Implementasyon, pondo

Sa gitna ng pagdinig, sinabi ni Juvenile Justice and Welfare Council executive director Tricia Oco na 91 porsyento ng 9,562 bata na gumawa ng krimen noong 2018 ay mga lalaki.

Sinabi rin ni Oco na pangit at mali ang pagkakaintindi ng batas sa maraming aspekto.

Mas mahalaga pa raw na isyu ng pagpopondo at implementasyon kaysa pagbababa ng minimum age.

Aniya, maraming halfway homes ang "mas malala sa preso" at may kakulangan sa mga social workers na mag-aasikaso sa mga bata.

Marmai rin daw sa mga lokal na gobyerno ang naging pabaya sa mga Bahay Pag-asa na itinayo sa kanilang mga nasasakupan.

Itutulak naman daw nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Ejercito ang mas mataas na pondo para sa pagpapatayo ng halfway homes sa pagpipinal ng 2019 budget.

Ayon kay Drilon, walang alokasyon para rito sa proposed national budget ngayong taon dahil nakalagay sa pangangalaga ng mlokal na gobyerno ang mga Bahay Pag-asa.

Nakahanap naman ng kakampi ang senador sa isang party-list lawmaker.

"Nine years old is simply too young to subject a child to arrest and other criminal procedures. That is Grade 3 age level. The child could be psychologically and emotionally scarred for life," sabi ni 1-Pacman Rep. Michael Romero.

(Masyado pang bata ang siyam na taon para arestuhin at isailalim sa criminal procedures. Habambuhay na siyang magiging psychologically at emotionally scarred.)

May "discernment" na raw kasi ang 12-anyos at maiintindihan ang tama sa mali at kahihinatnan ng epekto ng gagawin sa ibang tao.

Tutol din sa panukalang gawing siyam na taong gulang ang minimum age of criminal responsibility si Taguig Rep. Pia Cayetano, deputy speaker ng Kamara.

“There should be accountability for young children in conflict with law but not criminal prosecution, especially when the child is at a tender age of nine,” ani Cayetano.

(Dapat may pananagutan ang mga bata pero hindi sa paraan ng criminal prosecution, lalo na kung siyam na taon pa lang)

Kaysa prosecution, dapat idaan na lang daw ang mga child-offenders sa komprehensibong rehabilitasyon na magdadala sa kanila sa tamang landas.

Kung si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate naman daw ang tatanungin, hindi daw masosolusyunan ng panukala ang kriminalidad.

vuukle comment

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with