^

Bansa

5 mayor kakasuhan ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
5 mayor kakasuhan ng DILG
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jona­than Malaya, hindi sa­pat ang paliwanag ng limang Alkalde na hindi pa tinukoy ang mga pangalan kung bakit wala sila sa kani-kanilang bayan noong kasagsagan ng bagyo.
Sheila Crisostomo

MANILA, Philippines — Ipaghaharap ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang limang alkalde sa Northern Luzon na sinasabing ‘missing in action’ noong kasagsagan ng bagyong Ompong, na nanalasa sa bansa noong Setyembre 2018.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jona­than Malaya, hindi sa­pat ang paliwanag ng limang Alkalde na hindi pa tinukoy ang mga pangalan kung bakit wala sila sa kani-kanilang bayan noong kasagsagan ng bagyo.

“Despite having knowledge of the impending typhoon and the DILG advisory, said mayors were not in their posts during the typhoon. Such act on their part may be considered as dereliction of duty, negligence, or other administrative offense. We have referred their case to the Office of the Ombudsman,” ani Malaya.

Anim pang alkalde ang iisyuhan ng “written admonition” ni Interior Secretary Eduardo Año dahil sa pagkabigong tumalima sa abiso ng departamento na manatili sa kanilang pwesto noong panahon ng kalamidad at dahil sa kanilang pagka­bigong personal na pamahalaan ang paglilikas, pagsagip at relief operation sa kanilang constituents noong Setyembre 14, 15 at 16, 2018. (Joy Cantos)

vuukle comment

JONA­THAN MALAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with