^

Bansa

Palasyo binira si Callamard

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Palasyo binira si Callamard
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang mas nakakahiya ay ang ginagawang pakikialam ni Callamard sa panloob na usapin ng bansa partikular ang trabaho ng Kongreso.
United Nations/Loey Felipe

MANILA, Philippines — Binuweltahan ng Malacañang si UN special rapporteur Agnes Callamard sa pahayag nitong ang panukalang ibaba ang age ng criminal liability ay magiging ‘deadly’ at ‘shameful’.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang mas nakakahiya ay ang ginagawang pakikialam ni Callamard sa panloob na usapin ng bansa partikular ang trabaho ng Kongreso.

“What is shameful is nakikialam siya, what is shameful when she intrudes into the sovereignty of this country, she has no business interfering with the affairs of congress in the first place or with the executive,” sabi ni Panelo.

Magugunita na mismong si Pangulong Duterte ay ilang ulit sinabi sa kanyang mga speeches na dapat ibaba ang age ng criminal liability subalit ipinauubaya nito sa Kongreso ang pagdetermina kung anong edad ang dapat.

Nais ng Kamara na ibaba ?sa 9 na taon mula sa kasalukuyang 15 anyos ang age of criminal liability.

Sa Estados Unidos, ang age of criminal responsibility ay mula 0-11 habang sa Australia ay 9 years old, sa Uganda ?ay 12, Ukraine ?ay 14 at United Kingdom naman ay 8-10. Samantala sa Singapore ang age of criminal liability ay 7 years old, sa South Africa ?ay 10, sa Russia ?ay 14 at sa Scotland ay 8-12.

vuukle comment

AGNES CALLAMARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with