Sa naturang pagdinig kahapon, itinanggi ni Casiguran, Sorsogon Mayor Edwin Hamor ang paratang ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na balae niya si Diokno. Sinabi ni Hamor na tanging sa isang kasal lamang niya nakilala ang kalihim.
Boy Santos
Diokno no-show sa House probe ng flood fund scam
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi sumipot si Budget Sec. Benjamin Diokno sa ikalawang pagdinig ng House Committee on Rules kaugnay sa flood control fund scam.

Sa naturang pagdinig kahapon, itinanggi ni Casiguran, Sorsogon Mayor Edwin Hamor ang paratang ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na balae niya si Diokno. Sinabi ni Hamor na tanging sa isang kasal lamang niya nakilala ang kalihim.

Si Hamor ang sinasabing isa sa may-ari ng Aremar Construction na kinuhang sub-contractor ng CT Leoncio Construction and Trading na nakakuha ng nasa 32 proyekto sa Bicol Region.

Pero sa kabila nito, iginiit ni Andaya na mother-in-law ng anak ni Diokno na si Charlotte si Hamor.

Pero paliwanag ng Mayor na hindi maikokonsi­derang balae ang anak ni Diokno dahil ang napa­ngasawa nito ay anak ni Sorsogon Vice Gov. Esther Hamor sa una niyang asawa.

Pinaliwanag din ni Hamor kung paano niya itinayo ang Aremar Construction subalit ipinamana na niya ito sa kanyang mga anak at binitiwan na niya ang kanyang interes dito.

BENJAMIN DIOKNO FLOOD CONTROL FUND SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with