Sinabi ito ni Sen. Risa Hontiveros matapos ibun­yag ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. na tinangay lahat ng dating contractor ang data ng mga passport holders kasabay ng pagtatapos ng kontrata nito sa gobyerno.
DFA Facebook Photo
DFA pinagpapaliwanag sa natangay na passport data
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat ipaliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkawala ng lahat ng passport data dahil malinaw anya itong seryosong banta sa seguridad ng bansa.

Sinabi ito ni Sen. Risa Hontiveros matapos ibun­yag ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. na tinangay lahat ng dating contractor ang data ng mga passport holders kasabay ng pagtatapos ng kontrata nito sa gobyerno.

“The recent admission that a privately contracted firm took the entire physical database of all of the country’s passport holders indicates a serious national security risk, and is evidence of the Duterte government’s gross incompetence in protecting the people’s private data,” sabi ni Hontiveros.

Naniniwala si Hontiveros na dapat ipaalam sa publiko kung anong data ang nawala, kailan at papaano ito nawala.

Dapat ding matukoy kung sino ang mga responsable at kung bakit hindi ito kinakasuhan sa pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon.

Nanawagan din ito sa DFA na tiyakin sa publiko na makukuhang lahat ang mga nawalang data at mapanagot ang mga nagpabaya sa kanilang trabaho.

Hindi pa pinapangalanan ni Locsin ang nasabing contractor na aniya’y pinakarespetadong “French firm.”

Ipinaliwanag naman ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato na matapos ang insidente, ang mga may hawak ng lumang passports na na-isyu pagkatapos ng 2009 na kinabibilangan ng brown, green at maroon machine-readable passports ay obligadong magsumite ng birth certificates para sa aplikasyon ng renewal.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with