Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na taliwas sa sinasabi ni House Majority leader Rolando Andaya, hindi pa sila nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson at Rep. Andaya.
Wala pang probe sa flood control fund scam - Ombudsman
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pang sinisi­mulan na imbestigasyon ang Ombudsman sa umano’y multi-bilyong pisong flood control fund scam.

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na taliwas sa sinasabi ni House Majority leader Rolando Andaya, hindi pa sila nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson at Rep. Andaya.

Noong Miyerkules sinabi ni Andaya na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Ombudsman sa umano’y flood control scam dahil napansin ng anti-graft body ang umano’y “noticed red flags of corruption” sa mga ebidensiya at testimonya na lumabas sa House hearing.

Subalit nilinaw ni Martires na bagamat ini­utos niya sa isang staff na kumuha ng speech ni Andaya sa House Committee on Rules gayundin ng mga materials at slides na ginamit ng kongresista noong hearing ay hindi naman ito nangangahulugan na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang kanyang tanggapan.

Pinabulaanan din ni Martires ang sinasabi ni Andaya na ang Ombudsman ang nag-request ng mga kopya at testimonya gayundin ng mga documentary evidence mula sa hearing ng Kamara kundi nag-alok ang isang Mr. Baquiran na staff doon ng karagdagang dokumento.

Umapela rin sila kay Andaya na huwag idamay ang anti-graft body sa away politika.

Payo ni Martires mas mabuting tumutok na lang ang Kamara sa sarili nilang imbestigasyon at kung may sapat na ebidensya para balikan si Budget Sec. Benjamin Diokno ay saka sila maghain ng reklamo sa Ombudsman.

FLOOD CONTROL FUND SCAM SAMUEL MARTIRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with