Basura ng S. Korea ibabalik na

Sa isang opisyal na pahayag ng BOC, nagkasundo ang Pilipinas at pamahalaan ng South Korea na ibalik ang smuggled na basura sa Pyeongtaek City sa January 9.
www.facebook.com/News5Everywhere

MANILA, Philippines — Maibabalik na sa South Korea ng Bureau of Customs (BOC) ang tone-toneladang basura na iligal na ipinasok sa bansa kasabay ng paghahanda ng regulatory requirements. 

Sa isang opisyal na pahayag ng BOC, nagkasundo ang Pilipinas at pamahalaan ng South Korea na ibalik ang smuggled na basura sa Pyeongtaek City sa January 9.

Ayon kay Mindanao International Container Terminal (MICT) Port Collector John Simon, inaasahan nila na ang 51 container van na puno ng mga basura na nakatambak sa naturang pantalan ay matiyak na wala nang magiging sagabal upang tuluyan ng maibalik sa naturang bansa.

Noong Nobyembre 2018, naharang ng Customs ang 1,200 toneladang basura na duma­ting noong Oktubre 21 sa MICT mula Korea.

Ang “misdeclared” na kargamento ay naka-consigned sa Verde Soco Philippines, na siya ring consignee ng mga basura mula sa South Korea na dumating sa pamamagitan ng barko sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Hulyo 21. 

Marami ang kumondena sa pagpasok ng  basura kaya’t dapat lamang na maimbestigahan kung sino ang nasa likod ng smuggle na basura.

Show comments