Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, iniisa-isa na ng mga tauhan ang pag-alam sa mga lalawigan na hindi sinasalanta ng bagyo upang mapagyaman ang larangan ng agrikultura dito.
Boy Santos
Mga probinsiya na hindi binibisita ng bagyo, pasisiglahin ang agrikultura
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pasisiglahin ng Department of Agriculture (DA) ang sektor ng agrikultura sa mga probinsiya na hindi dina­dalaw ng mga kalamidad tulad ng bagyo.

Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, iniisa-isa na ng mga tauhan ang pag-alam sa mga lalawigan na hindi sinasalanta ng bagyo upang mapagyaman ang larangan ng agrikultura dito.

Anya, isa ang Tawi-Tawi at Lanao del Sur na hindi binibisita ng bagyo kaya inaalam na ang mga pananim na pagyayamanin doon.

Sinabi rin ni Piñol na maganda ang uri ng lupa sa mga probinsiyang ito kaya’t malaki ang potensiyal na mapag­yaman ang anumang uri ng pananim na pararamihin.

Maaari rin anyang magbukas ang DA ng rice fields sa mga probinsiyang ito at sa iba pang hindi binibisita ng bagyo upang dito mapalakas ang rice production.

Mas mainam anya na maparami ang mga lugar na mapapagkunan ng suplay ng bigas para sa kapakanan ng mas maraming mamamayan.

Sa ngayon naman anya ay sapat ang suplay ng bigas at hindi kukulangin ang bansa ngayong holiday season.

MANNY PIñOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with