Youth leaders sa QC sasanayin sa tamang pamununo
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang mas higit na maging epektibo ang mga susunod na lider ng susunod na heneras­yon, sasanayin at tututukan ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang mga youth leaders.

Ito ay matapos na ihayag ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na magtatatag ng ng sariling government school sa lungsod na tututok at magsasanay sa pagpapaunlad ng teoretikal at praktikal na kaalaman ng mga youth leaders.

Sa kanyang talumpati sa mga retiradong kawani ng barangay, sinabi ni Belmonte ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga kabataan ng tamang pamumuno, na ayon sa kanya ay dapat na pagtulu­ngang harapin ng mga kasalukuyan at maging ng mga dating namuno sa kani-kanilang barangay.

“We are planning on putting up the Manuel Luis Quezon School of Government where we can mentor our youth leaders, for them to enhance their skills not only on theories about governance, but also on the practical use of the knowledge they have learned,” pahayag ni Belmonte.

Kinilala rin ni Belmonte ang maitutulong ng mga retiradong pinuno ng barangay sa paghubog sa mga kabataan.

“I don’t want your experiences and skills to go to waste the moment you retire from public service. That’s why we will call for your participation to teach .Let us make this possible for them to know that as leaders, the only thing that they should bring about is reform.”, sabi pa ni Belmonte.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with