Cha-cha na-pulitika
MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Ping Lacson na masyadong na-pulitika ang inaprubahang draft federal constitution ng House of Representatives kamakawala.
Ayon kay Lacson, malayung-malayo ang ipinasa ng mga congressmen na draft federal constitution sa bersiyon ng consultative committee na binuo ni Pangulong Duterte.
Naniniwala si Lacson na walang epekto sa Senado ang ipinasang draft ng Kamara lalo pa’t hindi nasunod ang ginawa ng committee.
Partikular na tinukoy ni Lacson ang tinanggal na anti-dynasty provision at maging ang tinanggal na term limits.
Samantala, nagbabala naman si dating solicitor general Pilo Hilbay laban sa Charter Change na isinusulong mismo ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Naniniwala si Hilbay na banta sa demokrasya ang ChaCha na isinusulong ng Kamara.
Noong Martes, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang draft federal constitution na magbabago sa sistema ng pamahalaan patungong pederal.
Kahit sinabi ng Senado na hindi gagalaw sa kanila ang panukala, ngunit nagbabala si Hilbay na baka iakyat sa Korte Suprema ang usapin.
- Latest