Trillanes nakaalis na ng Philippines

Si Sen. Antonio Trillanes habang ipinapakita sa Immigration officer ang kanyang passport at travel clearance para sa kanyang flight kahapon, sa NAIA Terminal 1.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nakaalis na ng bansa kahapon si Sen. Antonio Trillanes lV patungong Netherlands matapos magpiyansa para sa kasong libel.

Lulan si Trillanes ng EVA Airlines flight 262 via Taipei bandang alas-3 ng madaling araw.

Naging mabusisi ang Bureu of Immigration sa pagsusuri ng mga dokumento ni Trillanes, lalo’t nahaharap ito sa iba’t ibang kaso, kabilang na ang libelo sa Davao City at mga binuhay na kaso sa Makati City dahil sa Oakwood mutiny at Manila Pen siege.

Kasama ng senador ang kaniyang abogado nang pumunta sa paliparan upang ihatid siya.

Bago ito, humiling si Trillanes ng pahintulot mula sa Makati RTC Branch 148 at 150 para makabiyahe.

Pinaglagak naman ang mambabatas ng P200,000 bago pinayagang makaalis, kasabay ng pangakong babalik ito sa susunod na taon.

Partikular na tinukoy ng senador na uuwi siya sa Pilipinas sa Enero 12, 2019 pagkatapos ng kaniyang mga aktibidad sa Europe at America.

Show comments