Palasyo umaasa na mapapalitan ang Konstitusyon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng may ilang senador ang nagsasabing walang pag-asa na maipasa ang Charter Change, malaki ang kumpiyansa ng Palasyo na maihahabol ang pagpapalit ng Konstitusyon sa federal form sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay sa kabila na may ilang mga senador na ang nagsabing malabo nang ipasa ng Senado ang panukalang charter change.

Bukod kasi sa kapos na sila sa panahon ay dahil prayoridad ang budget deliberations at kulang din daw ng suporta mula sa ibang mambabatas ang cha cha.

Idinagdag pa ni Sec. Panelo, hindi man maihabol ngayong taon ay maaari pa rin naman daw ito isingit sa schedule ng Senado sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Panelo, mahaba pa raw ang termino ni Pangulong Duterte at may panahon pang natitira para ihabol ang usapin ng Charter Change.  

Show comments