PECO inireklamo kay Digong

Aminado si Sinabi ni Gaudioso Arnejo Sumandi, 24 taon nang empleyado ng PECO at nagsisilbing lineman at trouble shooter, na new management ang kailangan ng mga residente ng Iloilo City.

MANILA, Philippines — Humingi na ng tulong kay Pangulong Duterte ang mismong mga kawani ng Panay Electric Company (PECO) para masolusyunan ang problema sa kuryente sa Iloilo.

Aminado si Sinabi ni Gaudioso Arnejo Sumandi, 24 taon nang empleyado ng PECO at nagsisilbing lineman at trouble shooter, na new management ang kailangan ng mga residente ng Iloilo City.

Agosto 12, 2018 nang iparating ni Sumandi ang reklamo sa Palasyo sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint Hotline upang ipaabot sa Malacañang ang problema sa PECO at makapagsagawa ng imbestigasyon.

Inamin ni Sumandi na maraming mga manggagawa ang nais na magreklamo sa pamalakad ng PECO suba­lit hindi nila ito magawa dahil karamihan na sa mga empleyado ng kumpanya ay mga kontraktuwal, gaya sa operation department ay sya na lamang ang nag-iisang regular employee at lahat ay kontraktuwal na.

Inamin ni Arnejo na nababahala siya sa linya ng kur­yente ng PECO dahil sa overloading, kung hindi umano ito matutugunan ay malaking panganib ang maaaring idulot nito. May ilang pagkakataon na umano na nagkakaroon ng sunog dahil sa pag-iinit ng kable dala ng overloading, maswerte lamang na agad nila itong naapula kaya walang nagiging malaking pinsala.

May batayan din umano ang reklamo ng mga residente na palagian ang brownout na nararanasan, ito umano ay dahil ang mga linya ng kuryente ay putol-putol na karaniwang pinagdugtong lamang nila at ginawan ng paraan para magkailaw ang mga residente.

Show comments