Duterte dumalo sa Day 2 ng APEC Summit
MANILA, Philippines — Dumalo pa rin si Pangulong Duterte sa ikalawang araw ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Papua New Guinea kahapon.
Taliwas ito sa naunang pahayag ng Malacañang na babalik na sa Pilipinas ang Pangulo bunsod ng “urgent domestic developments.”
Nakumbinsi umano ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin ang Pangulo na manatili ito sa APEC Summit.
“This [is] after I loudly and naggingly insisted he stay just one day. One day, I stressed,” wika ni Sec. Locsin sa kanyang tweet.
Pinayuhan din nito ang Pangulo na huwag munang umalis sa Singapore noong Sabado ng gabi upang makapagpahinga muna ng magdamag pero tumuloy pa rin ang Pangulo sa pagpunta sa Papua New Guinea.
Magugunitang umani ng batikos ang hindi pagsipot ng Pangulo sa ilang summit sa ASEAN dahil sa power nap nito.
- Latest