Duterte nagbabaon ng carne norte, tuyo at sardinas sa ibang bansa

Ibinunyag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Papua New Guinea na ayaw niya ng pagkain sa mga buffet at kalimitang nagbabaon siya ng carne norte, tuyo at sardinas.

MANILA, Philippines — Nagbabaon ng carne norte, sardinas, at maging tuyo si Pangulong Rodrigo Duterte kapag dumadayo siya sa ibang ng bansa.

Ibinunyag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Papua New Guinea na ayaw niya ng pagkain sa mga buffet at kalimitang nagbabaon siya ng carne norte, tuyo at sardinas.

Hinamon pa ng Pangulo ang mga dumalong Filipino na magtungo sa kanyang hotel at bibigyan niya ang mga ito ng sardinas.

Ikinuwento pa ng Pangulo na hindi lamang siya nakakain ng carne norte sa India dahil bawal ang pagkain ng baka sa nasabing bansa at hinahayaan lamang doong mamamasyal ang nasabing hayop.

Pero pagdating umano sa mga Muslim countries, mas gusto doon ang carne norte.

Ayon pa sa Pangulo mahilig siya sa maalat na pagkain at posibleng dahil ito sa kanyang genes.

Show comments