^

Bansa

Optional retirement sa gov’t workers, gagawing 56 yrs. Old

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Optional retirement sa gov�t workers, gagawing 56 yrs. Old
Sa ilalim ng consolidated version ng panukala, gagawing 56 years old ang optional retirement age mula sa kasaluku­yang 60 taong gulang.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aprubado na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization  ang panukalang mas maagang optional retirement para sa mga kawani ng gobyerno.

Sa ilalim ng consolidated version ng panukala, gagawing 56 years old ang optional retirement age mula sa kasaluku­yang 60 taong gulang.

Sa ilalim din ng panukala na inihain nina Act Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro, mananatili naman sa 65 years old ang mandatory retirement age.

Inamyendahan ng naturang panukala ang GSIS Act of 1997.

Naglalayon ito na bigyan ng kalayaan ang mga empleyado ng gobyerno na magretiro nang mas maaga na buo pa rin ang retirement benefits.

Umaasa rin sina Tinio at Castro na susuportahan ito ng mga kapwa nila mambabatas para maihabol ang pagpapatibay ngayong 17th Congress.

vuukle comment

OPTIONAL RETIREMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with