PH Navy nakipagtagisan sa ACMEX 2018

Ayon sa Philippine Navy, ang BRP Dagupan City (LS-551) kasama ang mga Navy personnels at officials nito ay kalahok sa Sea Sub-Phase ng ASEAN-China Maritime Exercise (ACMEX) 2018 sa South China Sea.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli ang Philippine Navy BRP Dagupan City sa pag­pa­pakitang gilas at ka­­handaan ng mga barkong pandigma at mga Navy personnels nito sa anumang hamon sa maritime security nang makipagsabayan ito sa China at mga ASEAN member sa idinaraos na ASEAN-China Maritime Exercise (ACMEX).

Ayon sa Philippine Navy, ang BRP Dagupan City (LS-551) kasama ang mga Navy personnels at officials nito ay kalahok sa Sea Sub-Phase ng ASEAN-China Maritime Exercise (ACMEX) 2018 sa South China Sea.

 “This specific phase of the exercise aims to execute all plans painstakingly drafted, delibe­rated and finalized in order to test the cohesiveness, effectiveness, and seamless communications among multilateral force partners in the conduct of various scenarios”, pahayag ni Commander Sherwin Respeto, Commander ng Naval Task Group 88.

Ang ACMEX  2018 ay nagsimula noong Oktub­re 22 at tatagal nang isang linggo na isa na namang panibagong karanasan upang mahubog ang kasanayan ng Philippine Navy team.

Kabilang dito ang communications drills, ship group formations bukod pa sa joint search and rescue, cross helo-deck landings and replenishment-at-sea approaches in accordance with the Code of Unplanned Encounters at Sea (CUES).

Nabatid na nakatak-da namang pangunahan ng Philippine Navy LS-551 ang replenishment-at-sea scenario.  

Show comments