Facebook nagtanggal ng 95 pages, 39 accounts

Pinayuhan din ng Facebook ang publiko na huwag gawing batayan ng impormasyon ang isang account dahil lamang sa rami ng followers at likes.
AFP

MANILA, Philippines — Isinara ng Facebook Philippines ang 95 pages at 39 accounts dahil sa paglabag sa spam at authenti­city policies.

Pinayuhan din ng Facebook ang publiko na huwag gawing batayan ng impormasyon ang isang account dahil lamang sa rami ng followers at likes.

Katunayan, nitong nakalipas na araw, isinara ng social media firm ang isang account na may halos five million followers dahil sa pagpapakalat ng “fake news.”

Kabilang sa mga tinanggal ang “Duterte Media,” “Duterte sa Pagbabago Bukas,” “DDS,” “Duterte Phenomenon,” “DU30 Trending News,” “Manang Imee,” “Bossing Vic,” “Pilipinas Daily News,”  “Like and Win,” Karlo ang Probinsiyano” at “Hot Babes”.

Naging batayan umano ng Facebook ang reports at ginawa nilang beripikasyon para tanggalin sa kanilang platform ang mga ito.

“We don’t want this kind of behavior on Facebook — and we’re investing heavily in both people and technology to keep bad content off our services,” saad ng Facebook.

Show comments