Ang nasabing data ay higit na mataas sa 4.8 percent inflation rate sa ikalawang quarter ng 2018.
Filw
6.2% inflation naitala ng BSP
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 6.2 percent inflation para sa third quarter ng taon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang nasabing data ay higit na mataas sa 4.8 percent inflation rate sa ikalawang quarter ng 2018.

Ayon kay Maria Alma­sara Tuano-Amador ng BSP, average ito ng data mula sa nakalipas na tatlong buwan na kanilang nalikom.

Una rito, umakyat sa 6.7 percent ang inflation record noong Setyembre base sa impormasyon ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang BSP ay dati nang nagtaas ng kanilang benchmark borrowing rate bilang tugon sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa sertbisyo.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng petroleum pro­ducts, nagiging madalas din ang pag-angat ng halaga ng mga basic goods. Kasama sa mga nagmahal ang presyo ng bigas, meat products at maging ang inaaning gulay.

Pero ang higit daw na dahilan ng pagtaas ng presyo ng gulay at prutas ay ang mga nagdaang kalamidad sa mga lalawigang pinagmumulan ng supply.

BSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with