^

Bansa

Martial Law extension sa Mindanao, inaaral pa ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Martial Law extension sa Mindanao, inaaral pa ng AFP
“Ongoing pa assessment, we will submit on next mid December (this year),” ani Lorenzana na iginiit na ang posibleng pagpapalawig o tuluyang pag-aalis sa martial law ay depende sa irerekomenda ng militar.
AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines – Posibleng sa Disyembre ay irekomenda na ng Department of National Defense kay Pangulong Duterte kung palalawigin pa o ipatitigil na ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

“Ongoing pa assessment, we will submit on next mid December (this year),” ani Lorenzana na iginiit na ang posibleng pagpapalawig o tuluyang pag-aalis sa martial law ay depende sa irerekomenda ng militar.

Nabatid na nakatakdang magpaso ang Martial Law extension sa Mindanao sa darating na Dis­yembre.

Sa kasalukuyan, patuloy ang assessment ng mga ground commanders ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nilinaw din ni AFP Public Affairs Office Chief, Col. Noel Detoyato na tuloy-tuloy lang ang kanilang pag-review sa umiiral na sitwasyon sa Mindanao.

Ayon kay Detoyato, simula day one ng pagpapatupad ng Martial Law ay regular na ina-assess ng kanilang mga field units ang security situation sa lugar.

Sa ngayon aniya ay walang timeline ang militar sa pagsusumite ng rekomendasyon sa Pangulo ukol sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Una nang sinabi ng Malacañang na depende sa rekomendasyon ng AFP kung palalawigan pa ang Martial Law.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with