Philippines, Israel pumirma sa exploration deal sa Palawan
MANILA, Philippines — Lumagda sa oil exploration deal sa Israel firm sina Pangulong Duterte at Energy Sec. Alfonso Cusi para sa posibleng oil at gas resources sa Palawan.
Ayon kay Sec. Cusi, ang nilagdaang kasunduan ay ang Petroleum Service Contract para sa area 4 (East Palawan basin) ng 5th Philippine Energy Contracting Round na ginanap sa Malacañang.
Para sa Israel firm na Ratio Petroleum Limited lumagda naman sa kasunduan si Itay Raphael Tabibzada, pangulo at CEO ng kumpanya.
Sa ilalim ng kasunduan ay papayagan ang Ratio Petroleum na magsagawa ng oil exploration sa area 4 para sa posibleng oil at gas resources sa 416,000 hectares sa East Palawan basin.
Tinatayang may minimum total expenditures na nagkakahalaga ng $34,350,000 ang nasabing exploration batay sa pag-aaral, data gathering at drilling na isasagawa sa loob ng 7 taong kontrata.
- Latest