^

Bansa

Roque umupak na kay Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Roque umupak na kay Duterte
Sinabi ito ni Roque sa Gandang Gabi Vice program ni Vice Ganda sa ABS-CBN kamakalawa ng gabi.
File Photo

MANILA, Philippines — Itinuring ni dating Presidential spokesman Harry Roque na isa sa hindi tamang ginawa ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay ang paghalik nito sa isang babaeng overseas Filipino worker sa South Korea.

Sinabi ito ni Roque sa Gandang Gabi Vice program ni Vice Ganda sa ABS-CBN kamakalawa ng gabi.

Tinanong kasi ni Vice Ganda si Roque, kung sa tingin nito, ano ang ‘inappropriate’ na nagawa ng Pangulo at tahasang sinabi ng dating presidential spokesman na ang paghalik ng lips to lips ni Pangulong Duterte sa isang OFW sa South Korea.

“Patay na ako,” wika pa raw ni Roque noong mangyari ang kissing incident sa OFW sa South Korea.

Nang tinanong si Ro­que kung bakit dine­pen­sahan pa niya noon si Pangulong Duterte sa nangyaring kissing incident at ang naging sagot nito ay dahil trabaho niyang ipagtanggol ang pangulo.

“Naniniwala akong ang pagsisilbi sa mga kababayan ay sa pamamagitan ng pagsisilbi sa president na kinabibilangan ng pagtatanggol sa kanya kapag may nagawa siyang mali,” paliwanag ni Roque.

Samantala, kahapon sa pagharap sa huling pagkakataon ni Roque sa Malacañang reporters ay sinabi nitong nagsabi lamang siya ng totoo niyang opinion nang tanungin siya ni Vice Ganda sa kanyang pananaw kung may ‘inappropriate’ na nagawa si Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Roque, sa kanyang palagay, sumobra na iyong halikan na isang bagay na naobserbahan din ni (Davao City) Mayor Sara (Duterte) at gayundin ng iba.

Samantala, inihayag din ni Roque na hindi siya tatakbo bilang senador kundi mas pinili niyang tumakbo bilang partylist representative.

Sinabi ni Roque sa media briefing sa Malacañang na matapos silang mag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pinayuhan siya na huwag ituloy ang pagtakbong senador na kanya namang susundin.

Aniya, tatakbo siya bi­lang 1st nominee ng Luntinang Pilipinas Partylist at nakatakdang maghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) kung saan ang 2ndnominee ay si Ciarra Sotto.

Related video:

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with