Iti-nurn over ni Customs Commissioner Isidro Lapeña kasama si NAIA Customs District Collector Carmelita “Mimel” Talusan sa PDEA ang nasa 2,329 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng nasa P12.345 milyon. Ang naturang parcel ay naka-consigned sa isang Johnmel Natividad ng Sta Isabel, Caloocan City buhat Brazil at pinadaan sa Cen- tral Mail Exchange Center.
( Kuha ni Rudy Santos)
P14-M droga, mangrove snake nasabat ng Customs sa serye ng operasyon
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nakasakote ang  Bureau of Customs (BoC)  ng mahigit sa  P14 milyong  ha­laga ng mga droga, mangrove snake at 120 boxes ng used clothes mula sa ilang bodega na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City sa magkakahiwalay na pagsalakay.

Iprinesinta  kahapon ng umaga ni BoC, NAIA District Collector Carmelita ‘Mimel’ Talusan ang mga kontrabadong  nasabat ng kanyang mga tauhan sa magkakahiwalay na pagsalakay sa ilang warehouse na malapit sa naturang paliparan.

Nasamsam  ang P850,000 halaga ng marijuana na itinago sa portable heater at P14 milyong halaga ng shabu, na  itinago naman sa baby dress at birthday card.

Napigilan ding maipuslit ang P12.345 milyon pisong cocaine na idineklarang supplementary sheet ng isang  drug syndicate.

Nasabat din ang 500.42 gramo ng marijuana, galing sa  bansang America (USA),  na nakapangalan kay Raven Delosa, taga  Quezon City.

Samantalang ang 204.9 gramo ng shabu ay nagmula  naman sa United Kingdom at nakapangalan kay Joy Bido, ng Dasmariñas Cavite. 

Ang 2.329 gramo ng cocaine ay galing naman sa Brazil kung saan ay ipadadala ito kay Johnmel Natividad,  ng Caloocan City.

Nasakote rin ng BoC ang tangkang pag-export ng mangrove snake patungong Taiwan at ang 120 kahon na naglalaman ng mga damit .

Ang mga damit  ay dinala sa DSWD,  samantalang ang  mangrove snake ay dinala sa DENR habang ang mga nakumpiskang droga ay inilipat kaagad sa pamamahala ng Philippine Drug  Enforcement Agency (PDEA).

BUREAU OF CUSTOMS NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with