CJ De Castro nagpaalam na sa SC

Nagpasalamat ito sa lahat ng empleyado ng Korte Suprema na sumuporta sa kanya bilang chief justice sa maikling panahon.
File

MANILA, Philippines — Pormal nang nagpaalam sa mga empleyado ng Supreme Court at sa mga kapwa mahistrado si outgoing Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro sa isinagawang flag raising ceremony kahapon.

Nagpasalamat ito sa lahat ng empleyado ng Korte Suprema na sumuporta sa kanya bilang chief justice sa maikling panahon.

Sa loob naman ng 44 araw nanungkulan si De Castro kung saan naitaas nito ang basic pay ng mga first level judges sa bansa, inaprubahan ang overtime pay ng mga court stenographer at court employees na nagsasagawa ng continous trial, nai-promote ang mga career employees at opisyal ng korte at napunan ang taon na ring mga posisyon na nabakante.

Bukas ang huling araw ni De Castro sa trabaho at pangungunahan pa niya ang en banc session sa umaga at oral argument naman sa hapon.

Ang oral argument ay kaugnay pa rin sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC). (Doris Franche)

Related video:

Show comments