^

Bansa

13 anyos panagutin sa krimen – Sotto

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
13 anyos panagutin sa krimen � Sotto
Sa ilalim ng Senate Bill 2026 ni Sen. Sotto, ginagamit ng sindikato ang probisyon sa Republic Act 9344 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 kung saan mga menor de edad ang ginagamit nila sa paggawa ng krimen.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Isinulong ni Senate President Vicente Sotto III na ibaba sa edad na 13 ang criminal responsibility lalo’t mga minor ang ginagamit ng sindikato sa ibat ibang krimen upang makaiwas sa kulong.

Sa ilalim ng Senate Bill 2026 ni Sen. Sotto, ginagamit ng sindikato ang probisyon sa Republic Act 9344 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 kung saan mga menor de edad ang ginagamit nila sa paggawa ng krimen.

Sa ilalim ng RA 9344 ay exempted ang mga batang may edad 15 pababa mula sa criminal liability na mas­yadong mataas kahit ibatay sa international standards.

Batay sa pag-aaral ng Child Rights International Network, ipinunto ni Sen. Sotto na ang average minimum age ng criminal responsibility sa Asya at Africa ay 11 anyos habang sa US at Europe ay 13.

Layunin ng bill ni Sotto na amyendahan ang Sections 6, 20, 20-A, 20-B at 22 ng RA 9344 kung saan ang mga batang may edad 18 pababa pero above 12 ay dapat panagutin sa nagawa nilang krimen puwera na lamang kung nagawa niya ito ng hindi niya alam o hindi naiintindihan ay dapat sumailalim siya sa intervention program ng pamahalaan.

Sa ilalim ng panukala ang mga seryosong krimen tulad ng parricide, murder, infanticide, kidnapping at homicide na nagawa ng edad 9 anyos hanggang 12 years old ay dapat sumailalim sila sa Youth Welfare Code at pansamantalang ilalagay sa youth care faculty o Bahay-Pag-asa.

vuukle comment

VICENTE SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with