^

Bansa

Death toll sa Itogon, 44 na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Death toll sa Itogon, 44 na
Ang rescue team ng Philex Mining Corp. sa Ground Zero ng Itogon landslide.

MANILA, Philippines — Nasa 44 katao na ang death toll sa landslide sa Itogon, Benguet.

Dahil dito kaya umabot na sa kabuuang 74 ang nasawi sa nasabing lalawigan dulot ng walang tigil na pag-ulan at bagyong Ompong noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP Cordillera spokesperson Supt. Pilita Tacio, na ang 44 nasawi ay naitala mula sa Barangay Ucab sa Itogon.

Sa kabila nito, sinabi ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na patuloy ang retrieval operations sa nasabing lugar kung saan mayroon nang apat na backhoes ang ginagamit para ma-recover ang mga natabunan ng landslides.

Idinagdag pa ni Pa­langdan, na sa buong munisipalidad ay mayroon pang 39 indibidwal ang nawawala habang 10 pa ang narekober na bangkay na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala.

Naglagay na rin umano ng libingan, tatlong kilometro ang layo mula sa landslide area para kung walang pagkaka­kilanlan ang mga nahukay na bangkay ay diretso na umano itong ililibing.

May naitala naman na dalawa pang residente ng Itogon ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog.

Base naman sa talaan ng PNP bukod, sa 44 na nasawi sa Itogon, mayroong pang 13 mula s Baguio City, at anim sa Mountain Province, at isa sa Kalinga province dahil sa bagyong Ompong kaya umabot na ang bilang ng nasawi sa buong Cordillera Region sa 94.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with