^

Bansa

Pagtakbo ni SAP Go depende na kay Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pagtakbo ni SAP Go  depende na kay Digong
Ayon sa source, ang tanging makakapagpabago sa desisyon ni SAP Go ay kapag inutusan siya ni Pangulong Duterte na tumakbo at mag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa darating na October 11-17.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na ituloy ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go ang pagtakbo bilang senador sa darating na 2019 mid-term election.

Ayon sa source, ang tanging makakapagpabago sa desisyon ni SAP Go ay kapag inutusan siya ni Pangulong Duterte na tumakbo at mag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa darating na October 11-17.

Sinabi ng importante, kung si Sec. Go ang tatanungin ay wala naman talaga itong planong tumakbong senador.

“Pero kapag sinabi ni Pangulong Duterte kay Bong Go na tumakbo siyang senador ay walang magagawa ito kundi sundin ang kanyang principal,” dagdag pa ng source sa Malacañang.

Suportado si Go ng PDP-Laban gayundin ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte kahit wala sa winning circle ang close aide ni Pangulong Duterte sa pinakahuling survey.

Wika ng  importante, wala pang pinal na desisyon kung aatras o tatakbo si SAP Go bilang senador at nasa kamay ito ni Pangulong Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with