Sinabi pa ni Sen. Richard Gordon, chairman ng blue ribbon, ipatatawag niya si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano upang maghain ng protesta sa China at hingin na rin ang tulong ng nasabing bansa hinggil sa pagkatao ng mga ‘Chinese nationals’ na isinasangkot sa mga nangyayaring drug smuggling sa bansa.
China uusisain sa drug smuggling - Gordon
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hihingin ng Senado ang tulong ng China upang usisain ito kaugnay ng drug smuggling kung saan sangkot ang mga Chinese nationals matapos madagdagan ang hinala ng Senate Blue Ribbon Committee na nasa “sentro” ng talamak na drug smuggling sa bansa ang isang intelligence agent ng Bureau of Customs (BOC).

Sinabi pa ni Sen. Richard Gordon, chairman ng blue ribbon, ipatatawag niya si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano upang maghain ng protesta sa China at hingin na rin ang tulong ng nasabing bansa hinggil sa pagkatao ng mga ‘Chinese nationals’ na isinasangkot sa mga nangyayaring drug smuggling sa bansa.

“Mayroon sila (China) na ‘national ID system’ kaya kahit sa larawan, puwede nating malaman kung sino ang mga taong ito,” ani Gordon.

Aniya pa, “sinasamantala” ng mga ‘China-based drug syndicates’ ang sitwasyon kaya tuluy-tuloy pa rin ang malawakang drug smuggling sa bansa.

Nagbanta rin si Gordon na nakahanda siyang ipakulong kahit ang mga opisyales ng PDEA at BOC sakaling mapansin niya na hindi rin nagsasabi ng totoo ang mga ito sa ginagawang imbestigasyon.

Sa mga testimonya na hawak niya, sinabi ni Gordon, na “alam” ni Customs intel agent Jimmy Guban, kung paano mabilis na mabubuksan ang mga ‘magnetic scrap lifter’ na dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo na naglalaman umano ng 355 kilong shabu na may halagang higit P4 bilyon noong nakaraang Agosto 7.

May hawak pa ring mga testimonya ang mambabatas na nagsasabing alam din ni Guban kung paano mabubuksan ang mga katulad na magnetic scrap lifter na natagpuan ng PDEA, PNP at Customs sa isang ‘warehouse’ sa GMA, Cavite, pagkaraan ng dalawang araw.

Sa pagtaya ng PDEA, aabot sa isang toneladang shabu na may halagang higit P6.8 bilyon ang “nakalusot” sa insidente.

Sa pagdinig kahapon, sinabi ni Gordon na sa insidente sa MICP, ang testimonya ay galing sa tauhan ni Guban na nakatalaga sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at isa sa mga nakakita kung paano nadiskubre ang mga nakatagong shabu.

Noong Setyembre 11, nagdesisyon si Gordon na ipakulong si Guban sa kasong ‘contempt’ at pagsisinungaling dahil sa umano’y “pag-iwas” nito sa pagsagot sa mga tanong ng mambabatas.

Kahapon, nakasuhan din ng contempt at pagsisinungaling si Marina dela Cruz Signapan, ang may-ari ng SMYD Trading na ‘consignee’ ng mga magnetic scrap lifter na natagpuan sa GMA, Cavite.

Ito’y matapos ipagpilitan ni Signapan na hindi niya alam kung sino ang nagpadala dahil ang kausap laman umano niya ay isang Joel Maritana.

Hindi naniniwala si Gordon na makikipag-deal si Signapan kay Marinata na diumano’y isa lamang high school graduate. 

Ayon kay Gordon, ginawang “fall guy” ni Guban si Maritana para “maligtas” si Signapan at ang kumpanya nito.

 

RICHARD GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with