Pamamahala sa NFA ibinalik sa DA
MANILA, Philippines — Ibinalik ni Pangulong Duterte sa Department of Agriculture (DA) ang pamamahala sa National Food Authority (NFA) at 3 pang ahensiya.
Nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order 62 na nagbabalik sa NFA, Philippine Coconut Authority (PCA), National Irrigation Administration (NIA) at Fertilizer and Pesticides Authority (FPA).
Sa ilalim ng EO 62, ang DA chief na rin ang mamumuno sa NFA Council habang ang NFA administrator naman ang magsisilbi bilang vice-chair ng council.
Noong panahon ng Aquino administration ay isinailalim sa Office of the President ang nasabing mga ahensiya at pinamahala ito sa itinalaga niyang presidential food czar na si Sen. Kiko Pangilinan.
Sa unang bahagi ng Duterte government ay nasa ilalim naman ito ng pamamahala ni Cabinet Sec. Leoncio Evasco Jr. subalit inalis ito sa kanya at nilagay sa OP.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang EO 62 nitong September 17.
- Latest