‘Stupid COA circular huwag sundin’

Ginawa ni Pangulong Duterte ang komento sa ginanap na briefing sa Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong kamakalawa makaraang sabihin ni Gov. Marcos na ayaw payagan ng COA na mag-cash advance sila para sa pambili ng mga building materials tulad ng GI sheets.
KJ Rosales

Digong kay Imee

MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at iba pang local officials na huwag sundin ang ‘stupid’ Commission on Audit (COA) circulars at sinabihan ang gobernadora na itulak nito sa hagdan ang COA employee sa kanilang kapitolyo.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang komento sa ginanap na briefing sa Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong kamakalawa makaraang sabihin ni Gov. Marcos na ayaw payagan ng COA na mag-cash advance sila para sa pambili ng mga building materials tulad ng GI sheets.

“Yung cash advance, for food lang. ‘Di puwe­deng cash advance for these things,” sumbong ni Gov. Marcos kay Pangulong Duterte.

“Ihulog mo sa hagdanan,” sagot ni Pangulong Duterte sa governor ng Ilocos Norte.

Sinabi pa ng Pangulo, wala namang naitulong ang COA sa national development at hindi naman nakatulong sa pagsawata ng corruption sa gobyerno ang circulars ng mga ito para sa mga government transactions.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang nais lamang ni Pangulong Duterte na hindi dapat mabalam ang paghahatid ng tulong ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Related video:

Show comments