Hirit sa NFA: Bagyo paghandaan, bumawi sa taumbayan
MANILA, Philippines — May pagkakataon ang National Food Authority (NFA) na makabawi sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroong sapat na supply ng bigas sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyong Ompong.
“Tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan at siguruhing hindi magugutom ang mga nasalanta,” ayon kay Sen. Bam Aquino.
“Dapat nang bumawi ang NFA sa kapalpakan ng kanilang administrador. This is an opportunity for NFA to step up in serving our countrymen,” dagdag ni Sen. Bam, na tinutukoy ang mga kapalpakan ni NFA administrator Jason Aquino na nakaapekto sa supply ng murang bigas sa merkado.
Naghahanap na si Pangulong Duterte ng kapalit ni Jason Aquino, na hiniling sa Malacañang na palitan na siya sa puwesto.
Giit ni Bam, dapat tiyakin ng NFA na mayroong sapat na supply ng bigas sa mga warehouse sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
- Latest