Trillanes sinopla ni Bong Go

Sinabi ni Sec. Go na katatapos lang magpa-drug test ng Pangulo, dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan bilang requirement sa renewal nito ng kanyang License to Possess Firearms o LTOPF.

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go si Sen. Antonio Trillanes sa hirit nito na dapat magpa-drug test si Pangulong Duterte at buong pa­mil­ya nito.

Sinabi ni Sec. Go na katatapos lang magpa-drug test ng Pangulo, dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan bilang requirement sa renewal nito ng kanyang License to Possess Firearms o LTOPF.

Ayon kay Go, pa­sado ang Pangulo sa drug test at neuro-test na kabilang sa mga requirements sa pagkuha ng LTOPF.

Kaugnay nito, sinabi ni  Go na baka si Trillanes ang hindi pumasa sa neuro-test dahil masyado na itong obsess sa pagi­ging  kritiko ni Pangulong  Duterte.

Pinayuhan pa ni Go si Trillanes na hintayin na lang nito ang 2022 na pag­tatapos ng termino ni Pangulong Du­terte.

Show comments